Bukas
Bukas, babatiin
ang hapdi ng nakaraan upang
damhin ang ibayong kirot ng
kasalukuyan.
At saglit kong sisilayan
ang iyong larawan na matagal
nang nakaukit sa aking kaisipan.
Sa ingay ng katahimikan, madarama ang init ng luhang nangungulila.
Sa dako pa roo'y isisigaw ang sakdal tamis
na mga kataga
- mahal kita!
Bakit pa kaya kailangang masilayan ang umaga kung
ikaw ay hindi makakasama?
At sa gitna nang kalituhan, muling magmumuni-muni.
Bukas, sana,
dumating ang umaga
By Trifee Miaco